| FIVE-SIX SA AMERIKA |
|
|
|
| By Jay De Leon - AFF | |
| Tuesday, 15 July 2008 | |
|
May mga bidabidahan na dito ay kumakalat Isipan at puso mo’y lubhang magugulat Kapwa Pinoy natin ang mga nagsisiwalat Sa kagimbal-gimbal na trabaho at banat. Kapag ang tao ay sadyang kapos at gipit Sa patalim man daw ay sila ay kakapit Sadyang may mga tao namang nangigipit Sa halip na tumulong ikaw ay lalung iniipit. Doon sa Pilipinas ay Indian ang may gawa Ang sumisipsip ng dugo ng taong kawawa Araw-araw ay dadalawin ka ng taong timawa Nakapayong pang dadating interes ang sadya.
Dito man pala sa Amerika meron ding ganito Nagpapautang na ang interes ay sagad sa ulo Five-Six sa isang buwan kapag tinuwid mo Wala kang magawa kahit sila’y kapwa Pilipino.
Ang five-six ay bente porsiyento sa isang buwan Isang taon $240 dollars ang interes ng isang-daan Limang buwan pa lamang ay bawi na ang puhunan Talagang mabilis at malakas itong pagkakitaan.
Alam ba ninyo ang katapat ng mga taong ito? Sila’y BUWAYA SA KATIHAN na kulubot ang noo Bunganga ay laging buka at lalamunin ka ng buo Dudurugin ng mga ngiping ang haba’y isang metro.
Hindi masama ang negosyong pagpapautang Ilagay lamang sa tama at huwag sobra ng gulang Kababayan natin ay duguan na at mukha ng gurang Sa kababayad sa iyo hanapbuhay ay laging kulang.
Kung hindi ka lulubay sa mga gawaing nabanggit Baka ang Diyos ay lubha mong mainis at mapagalit Sa lupa pa lamang ikaw ay parusahan ng mapapait Bilang kabayaran sa mga tao mong sinira at dinagit. |
|
| Last Updated ( Tuesday, 15 July 2008 ) |
| < Prev | Next > |
|---|

















