Calendar Date

May
23
2012
Today

Login Form

  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement

Technology

Polls

Do you think we should trade Amare?
 

Syndicate

+ Specials

 

 

This Ad Space is now Available

Inquire Here 

Hurry space is Limited

 
Pusong Bato PDF Print E-mail
By Jay De Leon - AFF   
Wednesday, 03 September 2008

Sa ating buhay tayo’y nalilibang

Hindi iniisip ang mga ibang nilalang

Sa sariling buhay laging nakaabang

Akala natin tama ang makasarili lang. 

 

May mga taong sadyang sa sarili nakatuon

Ang buong pansin sa kanya pawang nakabaon

Pakiramdam sa katawan siya ay isang poon

Na hindi matitinag kahit kailan pang panahon. 

 

Bakit may mga taong  sobra ang pagdadamot?

Ayaw magbahagi ng anu man kahit karampot

Sa grasyang dumadating itoy kanyang dakot

At pilit na sinisiksik sa tiyan hanggang mautot.

 

May tao ding sadya pamimintas at reklamo

Maraming salita, dada at kulang sa trabaho

Sa halip na tumulong sa mga aping mga tao

Lagi ang palipad ng mga matataas na igo. 

 

Wika ng Diyos tayo daw ay laging magtulungan

Gayon din ang pagkakasundo at pagmamahalan

Pagkain sa gutom at gamot sa may karamdaman

Paraang ito lamang magkakaroon ng kapayapaan. 

 

Si Jesus ay nagbigay sa atin ng gintong halimbawa

Noong siya ay nagpakain ng libu-libong madla

Kulang man ang mga isda at tinapay na dala-dala

Di nagaksaya ng panahon at pinamahagi sa kawawa. 

 

Bakit hindi inalala ni Jesus ang kanyang sarili?

Baka maubusan sila ng pagkain at walang mabili

Milagro ng Diyos ay sadyang hindi natin mikukubli

Labis pa ang pagkain at maraming nalikom sa tabi. 

 

Ito rin ang magyayari kung si Jesus ay ating paparisan

Hindi dahilan ang pagiging dukha sa gawang kabutihan

Kung hindi ikaw, sino? Kung hindi ngayon, kailan?

Magagawang tumulong sa mga taong kapos kapalaran. 

 

Last Updated ( Wednesday, 03 September 2008 )
 
< Prev   Next >
Advertisement

Featured Ads

Search Classified Ads

Gotta Check This Out!

Special Adobo Article!

 

Sports

Finance

Business Articles

Adobo Forum

Lifestyle

Latest Gadget & Tech News