| Pusong Bato |
|
|
|
| By Jay De Leon - AFF | |
| Wednesday, 03 September 2008 | |
|
Sa ating buhay tayo’y nalilibang Hindi iniisip ang mga ibang nilalang Sa sariling buhay laging nakaabang Akala natin tama ang makasarili lang.
May mga taong sadyang sa sarili nakatuon Ang buong pansin sa kanya pawang nakabaon Pakiramdam sa katawan siya ay isang poon Na hindi matitinag kahit kailan pang panahon.
Bakit may mga taong sobra ang pagdadamot? Ayaw magbahagi ng anu man kahit karampot Sa grasyang dumadating itoy kanyang dakot At pilit na sinisiksik sa tiyan hanggang mautot.
May tao ding sadya pamimintas at reklamo Maraming salita, dada at kulang sa trabaho Sa halip na tumulong sa mga aping mga tao Lagi ang palipad ng mga matataas na igo.
Wika ng Diyos tayo daw ay laging magtulungan Gayon din ang pagkakasundo at pagmamahalan Pagkain sa gutom at gamot sa may karamdaman Paraang ito lamang magkakaroon ng kapayapaan.
Si Jesus ay nagbigay sa atin ng gintong halimbawa Noong siya ay nagpakain ng libu-libong madla Kulang man ang mga isda at tinapay na dala-dala Di nagaksaya ng panahon at pinamahagi sa kawawa.
Bakit hindi inalala ni Jesus ang kanyang sarili? Baka maubusan sila ng pagkain at walang mabili Milagro ng Diyos ay sadyang hindi natin mikukubli Labis pa ang pagkain at maraming nalikom sa tabi.
Ito rin ang magyayari kung si Jesus ay ating paparisan Hindi dahilan ang pagiging dukha sa gawang kabutihan Kung hindi ikaw, sino? Kung hindi ngayon, kailan? Magagawang tumulong sa mga taong kapos kapalaran.
|
|
| Last Updated ( Wednesday, 03 September 2008 ) |
| < Prev | Next > |
|---|












