| Araw Ng Mga Puso |
|
|
|
| By Jay De Leon | |
| Saturday, 31 January 2009 | |
|
Taon-taon tayo ay nagdiriwang Nang araw ng mga puso ang bilang Sa mga tao itong nagmamahalan lang Hindi kasali ang samahang maaanghang. Ang araw bang ito ay sa magkasintahan? Na nagmamahalan ng matamis na pukyutan Hindi sila nagaaway at nagkakatampuhan Rosas ang kanilang nakikita sa kapaligiran. Ang araw ng mga puso ay para sa lahat Ipakita ang pagmamahal na walang puknat Hindi lamang kapag sa araw na nilalagnat Sa buong taon ito ipinadadama ang dapat. Sa magulang ano ang dapat gawin ng anak? Material na bagay ba ang siyang nararapat? Magulang ay masaya na hindi na maiiyak Kapag tamang landas ang iyong tinatahak. Sa asawa naman ano and dapat na regalo? Bulaklak ba o tsokolate ang bagay dito? Matatamis na halik at yakap ay hustado Pati pangako na tapat at hindi magbabago. Gayon din sa Diyos Ama ay ‘di dapat makalimot Magdasal ng taimtim at maghandog ng ‘di bagot Magpatawad sa lahat at sakit ay ilibing sa limot Upang ang damdamin at puso ng lahat ay magamot. Inspirational Quotes “Let the morning Sun recharge you with tireless energy to go through the day. Let God’s providence be a reminder that He prepared the for you today.” “Everyday we face life without knowing what lies ahead. Nevertheless, beyond this uncertainty stands the certainty that God cares.” “Good health is not a result of medicines. It comes from peace of mind, heart and soul.” Pagtawa Ay Gamot (Joke Only) Erap: Nageehersisyo 1234 amen, 5678 amen 8765 amen, 4321 amen. Jinggoy : Bakit Daddy may kasama pang Amen ang pageehersisyo po ninyo? Erap: Sabi ng Doctor ko “Exercise Religiously”, eh. Estudyante: Kumukuha ng tests. Gumagamit ng Kodigo. Teacher: Ano ang nakasulat sa papel na nasa kamay mo? Estudyante: Mam, sinulat ko po ang dasal ko kay Lord. Teacher: Binasa ang sulat. Aba! Answer sa exams ito ah! Estudyante: Ganun po ba? Sinagot na din ni Lord ang Dasal ko. AMEN! Totoy: Alam mo ba kung bakit may sabaw ang Balot? Bokyo: Para may inumin siya. Totoy: Mali Bokyo. Ikaw nga ang ikulong sa shell ng matagal, eh saan ka jijingle? Aber… |
| < Prev | Next > |
|---|














